|
Isa sa pinakamalaking sektor ng ekonomiya sa ating bansa ang agrikultura. Ang sektor ng Agrikultura ay ang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa, at dito nagmula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng isang bansa. At isa din itong instrumento upang maging maunlad ang isang bansa.
Ang agrikultura ay may mga suliraning kinahaharap,tulad ng mga sumusunod;
- pagbabago ng klima o climate change,
- patuloy na pagrami ng populasyon sa bansa,
- problema sa imprastruktura,at marami pang iba.
Tunay na mahalaga ang agrikultura sa ating bansa ,at malaki din naitulong nito.Kung wala ang mga iba't ibang sektor ng agrikultura hindi tayo mabubuhay.Walang wala tayo ngayon kung wala ang mga ito,dahil ito ang ating mga pangunahing hanapbuhay ng mga iba't ibang rehiyon.
Ito ang mga iba't ibang sektor ang Agrikultura;
- pangingisda,
- paggugubat,
- pagsasaka,
- at paghahayupan
Ito ang bumubuhay sa atin pero kailangan din tayong maging masipag,mapagtiis,maging matiyaga at may pagmamahal sa trabaho dahil ito ang sumusuporta sa ating pangangailangan.Walang silbi ang ating mga likas na yaman kung hindi natin ito gagamitin sa tama ng hindi lumalabag sa batas,at hindi inaaboso ang mga ito.
Author: Caballero
KAHALAGAHAN NG PAGGUGUBAT
http://tl.inter-pix.com/nature/trees_leaves/forest_floor/680087-upsee.htmlAng paggugubat ay isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng iba't ibang lugar. Sa mga kugar na malawak ang kagubatan ito ay nakakatulong sa kanila dahil ang kagubatan ay sagana sa mga matataas na uri ng punong kahoy.
Sa kagubatan nakukuha ang karamihan sa mga trosong ginagawang tabla at iba pang kagamitang pangkonstruksyon. At ang mga kahoy ay ginagamit sa paggawa ng kasangkapan tulad ng aparador, kabinet, mesa, silya at iba pa. Nakatutulong ito dahil ang mga produktong kahoy ay isa sa mga pangunahing produktong iniluluwas sa mga iba't ibang rehiyon sa ibang bansa.
We have to preserve our forest because our forest is one of our treasure. At ang kayamanan ay iniingatan at hindi pinababayaan, kapag nasira ito maaapektuhan tayong mga tao at mga hayop na naninirahan sa kagubatan.
Mayroong mga taong walang kupas ang pagputol ng mga kahoy at walang pakialam sa kung ano ang maidudulot nito. Kung puputolin natin ang mga kahoy dapat natin itong palitan para sa sumusunod. At kapag naubos ito wala ng makapipigil ng mga posibleng pagbaha, kaya dapat alagaan natin ito para sa ikabubuti ng nakakarami.
Author: Gamboa Mary Grace, Cajandab,Buenaflor
Paggugubat
Alagaan ang mga Gubat sa anong paraan?
1- Do Reforestation and not Deforestation
2- Bawal Mag Kaingin
Let's Love our Mother Nature.
Author: Jao
PANGINGISDA
http://tl.cyplive.com/ru/news/v-limassole-zajmutsya-ochistkoj-morya.html
Ang pangingisda ay isa sa mga mahalagang hanapbuhay sa iba't ibang lugar. Mahalagang hanapbuhay ito sa mga lugar na malapit sa baybayin o dagat. Ito ay pwede nilang pinagkakakitaan sa mga lugar na napaligiran ng tubig malaki ang mapapakinabangan nila dito.
Ang pangingisda ay pinanggagalingan ng malaking kita ng iba't ibang rehiyon. Ang yamang tubig ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao at nakadaragdag sa kita ng rehiyon at bansa.
Malaki ang naitulong ng pangingisda sa ating bansa kaya dapat hindi natin ito pabayaan, wag nating hayaan na maging marumi ito dahil kapag marumi ang dagat maaapektuhan ang mga isda at ang masama pa magiging sanhi ito ng pagkamatay nila.Kapag namatay ang mga isda maaapektuhan na rin ang mga mangingisda dahil ito ang kanilang hanapbuhay, ang kanilang pinagkakakitaan at ang bumubuhay sa pamilya nila.
Sa mga mangingisda naman wag na wag kayong gagamit ng dynamita dahil ito ay nakakasama sa dagat. Ang mga Coral Reefs ay nasisira kung saan naninirahan ang mga isda. Dapat din na hindi kunin ang mga ito. Gumamit kayo ng tamang kagamitan sa pangingisda.
Ang karagatan ay ang ating yaman kaya naman wag nating pabayaan ito.Tayong mga Pilipino ay dapat magtulungan,dapat nating panatilihin ang kalinisan sa karagatan o palaisdaan dahil kapag nasa masama itong kalagayan maaapektuhan tayong lahat.
Ang mga sumusunod ay ang mga sanhi sa patuloy pagkasira sa karagatan;
Ang patuloy na pagtatapon ng basura ng mga tao -
Kapag tayo ay patuloy parin sa pagtatapon ng basura ,parang tayo narin ang sumisira sa ating buhay.Ang mga basurang naipon sa karagatan ay makakasama sa kalusugan ng bawat mamamayan.Kung patuloy parin itong ginagawa paano na ang mga isda,ang mga coral reefs at lalong lalo na ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Naging parte na ang karagatan sa buhay ng mga mangingisda,kaya dapat alam na natin ang tama at mali
Ang pag-ihi sa dagat-
Alam natin na ang ihi ng isang tao ay marumi,at kapag umihi ka sa dagat maaapektuhan ang mga taong naliligo dun at pati narin sa mga isda.Alam natin na minsan hindi na talaga mapipigilan pero kung kaya pang pumunta ng cr gawin natin.
Sa simpleng paraan na ating gagawin para sa karagatan, makakatulong na tayo sa kalikasan.Panatilihing Malinis ang Karagatan para sa Magandang Kinabukasan.
Author: Jao, Buenaflor
Pangingisda
1- Huwag itapon ang anumang mga basura sa mga karagatan.
2- Huwag gumamit ng mga malilit na lambat.
3-Huwag gumamit ng dynamita.
4- Huwag kunin ang mga Coral Reefs na siyang bahay ng mga isda.
Kaya Let's Conserve our Natural Resources.
Author: Jao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento